NAGA CITY- Sugatan ang isang menor de edad matapos na mahagip ng isang motorsiklo sa Barangay Borongborongan, Milaor, Camarines Sur.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), nabatid na habang tumatawid sa kalsada ang isang 8-ayos na batang babae nang mahagip ito ng isang motorsiklo na minamaneho naman ng suspek na si Alvin Guinoo, 29 anyos.

Dahil dito, nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan ang biktima na agad naman na dinala sa ospital para sa asistensiya medikal.

Sa ngayon, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.