NAGA CITY – Patay ang isang lalaki habang sugatan naman ang dalawa pa matapos na pagsasaksakin sa Brgy. Calumanguin, Gumaca, Quezon.

Kinilala ang mga biktima na sina Janna Villegas, Arnel Villegas, kapwa 32 anyos at si Aldrin Villegas, 27 anyos, kapwa mga residente sa nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Norte Police Provincial Station, napag-alaman na nasa kanilang residensya si Janna ng bigla na lamang umanong dumating ang nakainom na suspek na si Eric Tutong Torres, residente rin sa nasabing lugar, at pinagsasaksak ang naturang biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na humingi ng tulong si Janna sa kaniyang mga bayaw na sina Aldrin at Arnel ngunit pinagsasaksak rin ang mga ito ni Torres.

Samantala, matapos ang insidente, agad naman na tumakas ang suspek habang dinala naman ang mga biktima sa ospital para sa asistensya-medikal ngunit ideklarang dead on arrival ng mga doktor si Janna.

Sa ngayon, patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad habang patuloy pa ring inaalam ang motibo sa krimen.