NAGA CITY- Isa ang patay habang humigit kumulang walo katao ang sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Andaya Highway, Barangay Sinuknipan Del Gallego Camarines Sur.

Sa npanayam ng Bombo Radyo Naga kay PCapt. Eumorpho Batlangcao Acting Chief of Police [ACOP] ng Del GAllego PNP, sinasabing habang tino-tow ng isang Decker Tractor na minamaneho ni Aries Bania ang isa pang Tractor na minamaneho naman ni Vergil Suarez ng biglang mag-over-take ang

Silver Star Bus na minamaneho naman ni Dante Alinso.

Kugnay nito, nahagip ng naturang bus ang gilid na bahagi ng Decker Tractor.

Kaugnay nito, sumalpok ang nasabing bus sa kasalubong na DLTB bus na minamaneho naman ng nagngangalang Rodrigo Verdad.

Dahil dito, idineklara namang nasawi ang drayber ng silver star bus habang humigit kumulang sa walo katao naman ang sugatan na agad ding itinakbo sa ospital.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.