NAGA CITY- Patay ang isang Persons Under PNP Custody sa Tiaong Quezon.

Kinilala ang biktima na si Pedro Dinglasan Del Mundo, 56-anyos, residente ng Sitio Sapang Santol, Brgy San Isidro sa naturang bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang nasa banyo si Del Mundo kasama ang live-in partner at anak nito nang humingi ang mga ito ng tulong sa duty custodial officer dahil sa nararanasang sa hirap sa paghinga at pagmamanhid ng katawan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na bigla na lamang itong nag-collapse na agad namang dinala sa ospital para sa asistensiya medikal, ngunit idineklara rin itong dead on arrival ng mga doktor.

Samantala, napag-alaman na bago ang insidente pumunta si Del Mundo sa Tiaong Municipal Hospital upang sumailalim sa medical check-up dahil na rin sa diabetes at panginginig ng katawan.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente.