NAGA CITY- Dead-on-arrival ang isang tricycle driver matapos na pagsasaksakin nang kainuman nito sa Barangay F. De Jesus Unisan, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Jennifer Gulifardo Basco, 39-anyos, residente ng Barangay Ilayang Cabulihan Unisan, Quezon.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office napag-alaman na habang nag-iinuman ang biktima at suspek na si Michael Custodio Amandy, 36-anyos, residente ng Barangay Burgos, sa nasabing bayan nang magkaroon ng mainit na pagtatalo sa pagitan ng mga ito.

Dito naman pinagsasaksak ng suspek ang biktima gamit ang isang maliit na bolo na nagin rason upang magtamo si Basco ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Agad naman sanang dinala sa ospital ang biktima para sa asistensya medikal pero ideneklara ring dead-on-arrival ng mga doktor.

Ayon sa mga awtoridad, nagtamo nang nasa 11 saksak ang biktima na nagin dahilan sa agaran na kamatayan ni Basco.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa karampatang kaparusahan.