NAGA CITY- Sugatan ang isang menor de edad matapos na mabangga ng isang motorsiklo sa Barangay Malapad, Real, Quezon.
Kinilala ang biktima na isang 2-anyos na batang lalaki, residente ng nasabing lugar.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na habang binabaybay ng isang 17-anyos na suspek ang kahabaan ng ng nasabing kalsada lulan ng kaniyang motorsiklo papuntang Barangay Tignoan nang mag-overshoot ito sa linya at nabangga ang biktima.
Dahil dito, nagtamo ng sugat sa kaniyang katawan an biktima na agad naman na dinala sa ospital para sa agarang lunas.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na mabilis ang patakbo ng suspek nang mangyari ang insidente.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek at nagkausap na rin ang magulang ng magkabilang panig hinggil sa insidente.