NAGA CITY- Patay dalawa katao matapos maaksidente sa sinasakyan nitong motor sa Brgy. Paolbo, Calabanga Camarines Sur.

Kinilala ang mga biktima na sila Darwin Baguio at Cornel Baguio.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO) sinasabing sa nawalan umano ng kontrol ang motorsiklo na kurbang bahagi ng kalsada na naging rason para tumilapon ang mga biktima.

Agad namang isinugod sa ospital ang mga ito subalit idineklarang dead on arrival.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang insidente.