NAGA CITY-Sugatan ang dalawang katao pagkatapos ang nangyaring aksidente sa Candelaria, Quezon.

Kinilala ang mga biktima na sina alyas Ron, 28 anyos, residente ng 57 Dominic 11 Cainta, Rizal, at si Jessie Valentine Cruz, 34 anyos.

Sa nbakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nakakuha aniya ng tawag ang Candelaria Municipal Police Station na may nangyaring aksidente sa Maharlika highway na parte pa kan Barangay Mangilag Sur, Candelaria.

Base sa kanilang imbestigasyon, alas-6:40 aniya ng umaga ng Abril 6 ng bumabiyahe sina alyas Renald, 26 anyos, residente ng Brgy. Mangilag Sur Candelaria,Quezon, at ang kasama nitong si Elisa sakay ng isang Toyota Hilux, ng ma-sideswipe ang kanilang sinasakyan ng isa pang Toyota Hilux na minamaneho ni Alyas Ron kasama ang sakay nitong si Jessie.

Dahil dito, kinain ng sasakyang minamaneho ni alyas Ron ang lane nina alyas Renald, at tuluyan nang nakabangga sa commercial building na pagmamay-ari ni Gloria Galang Umali, 67 anyos, residente ng Brgy Mangilag Sur Candelaria, Quezon.

Dahil dito, nagtamo ng slight physical injuries sina alyas Jane at si Jessie, na kaagad dinala sa ospital para sa agarang lunas.

Sa ngayon, nakapag-areglo na ang dalawang panig tungkol sa nangyaring aksidente.