NAGA CITY- Patay ang tatlong indibidwal dahil sa umano’y Natural Gas Poisoning sa Mulanay, Quezon.

Kinilala ang mga biktima na sila Sandy Azuelo Basillo, 27-anyos; Jesus Loresto Largo III, 19-anyos; asin Mac Mac Largo Valenzuela, 18-anyos, lahat residentes ng Camarines Norte.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na posibleng na-suffocate ang mga biktima habang naghuhukay sa ginagawang 7.5 meters na tulay na naging dahilan sa pagkawala ng malay ng mga ito.

Samantala, agad namang dinala sa ospital ang mga biktima ngunit ideneklara ring dead-on-arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente.