NAGA CITY- Patay ang tatlong indibidwal matapos mahulog sa bangin an isang wing van sa Purok 6, Barangay Tanauan, Real, Quezon.

Kinilala ang mga biktima na silna Allen Castro, 21-anyos; Alfonso Castro, 43-anyos; at Danielle Josh Cruz, 23-anyos.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na habang tinatahak ni Alfonso kasama si Daniella ang kahabaan ng kalsada sa Barangay Tanauan lulan ng isang wing van na may lamang mga agricultural feeds nang aksidenteng dumirediretso ang sasakyan sa isang bangin matapos makarating sa pakurbang bahagi ng daan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, sinasabing nagkalat pa ang mga feeds sa bangin at nagresulta sa pagkasira nang sasakyan.

Dahil dito, nagtamo ng mga sugat sa ibat-ibang bahagi ng kanilang katawan tatlong biktima na agad namang dinala sa ospital para sa asistensiya medikal pero idineklara ring dead on arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naturang insidente.