NAGA CITY- Sugatan ang limang indibidwal matapos na makabangga ang isang kotse sa nakaparadang tricycle at motor sa National Highway, Lourdes Young, Nabua Camarines Sur.
Kinilala ang mga sugatan na sila Jacinto Siervo Jr., 44-anyos, residente ng CIW CMPD Correctional Rd., Mandaluyong City, driver ng nasabing kotse, Clara Siervo, 76-anyos, Mido Claire Siervo, Norine Siervo, at Saphia Panes, kapwa residentes ng San Roque, Northern Samar.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na habang binabaybay ni Jacinto ang kahabaan ng nasabing lugar ng aksidente itong mawalan ng kontrol at aksidenteng makabangga sa isang tricycle na pag-aari ni Lourdes Hugo at isang motorsiklo na pag-aari naman ng isang Josephine Pagallaman-Rull na nakapark sa gilid ng kalsada.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na dahil sa nasabing insidente nahulog sa kanal ang kotse at ang tricycle dahilan upang magtamo ng sugat sa ibat-ibang parte ng kanilang katawan ang driver at mga pasahero ng nasabing kotse.
Samantala, agad naman na dinala sa ospital ang mga sugatan para sa asistensya medikal.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.