Mariing itinanggi ng National Bureau of Investigation o NBI na sila ang nasa likod ng umano’y operasyon sa Senado kaugnay ng pag-aresto kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa matapos ang tensyon at serye ng putukan nitong Miyerkules ng gabi.

Sa panayam, sinabi ni NBI Director Melvin Matibag na hindi siya nagtungo sa Senado matapos silang utusang itigil ang operasyon.

Nilinaw rin ni Matibag na walang ahente ng NBI sa loob ng Senado nang mangyari ang insidente. Ayon sa kanya, hiniling lamang ang presensya ng kanilang mga tauhan upang magsagawa ng seguridad at inspeksyon sa paligid ng gusali ng Senado.

Dagdag pa ng NBI chief, nakatanggap siya ng tawag mula kay Senador Loren Legarda kaugnay sa napaulat na presensya ng mga armadong ahente ng NBI sa Senado, ngunit agad niya itong pinabulaanan.

Advertisement

Iginiit din ni Matibag na wala silang inilabas na kautusan para arestuhin si Dela Rosa at tiniyak niyang “100 percent” na walang isinagawang operasyon ang NBI sa Senado noong gabing iyon.

Advertisement