Inaasahang mararanasan ang El Niño mula Hulyo hanggang Setyembre, ayon sa US National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA), na magdudulot ng pag-init ng karagatan at pagbabago sa panahon sa buong mundo.

Ang El Niño ay bahagi ng natural na klima sa tropikal na Pacific, na kabilang sa ENSO (El Niño–Southern Oscillation). Pinapahina nito ang trade winds sa Pacific, nagreresulta sa pag-init ng dagat at pagbabago sa ulan at hangin, at pansamantalang pagtaas ng global na temperatura ng 0.1°C hanggang 0.2°C kada cycle.

Mas ramdam ang epekto sa Southeast Asia, Australia, at Brazil kung saan nagiging mas tuyo ang panahon, habang mas basa naman sa ilang bahagi ng Africa at US. Ang huling El Niño ay naitala noong 2023–2024, na nagpasok sa 2023 bilang pangalawang pinakainit na taon at 2024 bilang pinaka-mainit sa kasaysayan.

Ayon kay Carlo Buontempo, director ng European Union’s Copernicus Climate Change Service, posibleng maging record-breaking ang 2026 kung magde-develop ang El Niño ngayong taon, at mas malaki ang epekto nito sa 2027 kung magpapatuloy sa ikalawang bahagi ng 2026.

Advertisement

Pinapayuhan ng mga eksperto ang publiko at pamahalaan na maging handa sa matinding init, pagka-tuyot, at iba pang posibleng epekto ng El Niño, at nagpapaalala rin na kahit walang El Niño, patuloy ang pagtaas ng temperatura dahil sa global warming.

Advertisement