Nakararanas ng pagkalugi ang mga magasasaka sa Naga City bunsod ng mababa at pabago-bagong presyo ng palay.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Ernest Asence III, Acting City Agriculturist ng Naga City, sinabi nito na ang numero unong pinagkukunan ng ikinabubuhay ng mga Nagueño ay ang pagsasaka o agrikultura.
Ayon kay Asence, dahil sa fluctuating o kawalan ng stable na presyo ng palay, nalulugi ang mga local farmers. Dahil na rin sa malimit na overssuply ng palay, pumapalo ang presyo nito sa 13 pesos na siyang nagiging dahilan ng pagkalugi ng mga magsasaka.
Dagdag pa ng opisyal, tinatayang nasa 600 na mga farmers ang nalulugi ngayon sa kanilang ani na kung eko-konberte sa porsiyento, aabot ito ng halos 80-90%.
May mga nakarating pa sa kanilang ulat na merong 10 magsasaka na hindi na muna nagtanim dahil sa wala umanong pampuhunan o dahil sa nawawalan na ng ganang magsaka dahil sa maaring idulot ng sama ng panahon tulad ng bagyo na talagang nakakaapekto sa kanilang ani.
Ayon pa kay Aence, ngayong summers season, inaasaan na ng kanilang opisina ang pagtaas ng temperatura sa Bicol Region lalo na sa Camarines Sur. Kaya patuloy nilang hinihikayat ang mga magsasaka na ipa-insured ang kanilang sakahan upang kahit papaano ay maibalik sa kanila ang kanilang ipinuhunan sakaling maapektuhan ng sama ng panhon ang kanilang ani.
Sa ngayon, patuloy na nagsasagawa ang City Agriculture ng mga programang makatutulong sa mga magsasaka tulad ng pagbibigay ng assistance, pagbibigay ng libreng binhi, mga pesticides at mga kinakailangan na gamit sa pagsasaka at ang pagpapautang ng LGU-Naga sa mga magsasaka para sa puhunan ng walang interes.












