Idineklara ng Department of Migrant Workers na “high-risk area” ang Strait of Hormuz para sa mga Pilipinong tripulante dahil sa nagpapatuloy na tensyon sa Middle East.

Ayon kay Bernard Olalia, Undersecretary ng DMW, pinalawig ang advisory para sa maritime sector na nagtatakda sa mahalagang ruta ng oil shipments bilang mapanganib na lugar.

Dahil dito, may karapatan ang mga Pilipinong seafarer na tumangging sumampa sa barkong dadaan sa naturang lagusan. Maaari rin silang makatanggap ng dagdag na benepisyo at sahod kung maglalayag ang kanilang barko sa nasabing lugar.

Matatagpuan ang Strait of Hormuz sa pagitan ng Iran at Oman at isa ito sa pinakamahalagang ruta ng langis sa mundo. Ayon sa ulat, naapektuhan ang oil shipping sa lugar dahil sa tensyon na kinasasangkutan ng United States, Israel, at Iran.

Advertisement
Advertisement