Photo © web

Natapos na ang kampanya ni Pinay tennis star Alex Eala sa Miami Open matapos talunin siya ni Karolina Muchova ng Czech Republic sa round of 16 sa score na 6-0, 6-2.

Dominado ni Muchova, world number 14, ang laro mula umpisa, na tinapos ang unang set sa loob ng 22 minuto at mabilis na nakuha ang unang dalawang games ng ikalawang set. Sinamantala niya ang mga unforced errors ng 20-anyos na si Eala upang masiguro ang panalo.

Bago ang round of 16, nakaabot si Eala sa round of 64 at 32 matapos talunin sina Laura Siegemund at Magda Linette, ayon sa tournament records.

Magugunitang nagwagi si Muchova sa Qatar Open para sa kanyang ikalawang singles title, at ipinakita niya muli ang kanyang dominanteng laro sa Miami Open.

Advertisement
Advertisement