Ibinahagi ng BFP Ocampo ang mga aktibidad na ginawa kaugnay ng Fire Prevention Month ngayong Marso.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay SFO1 Michael Ray E. Rivero (Deputy Municipal Fire Marshal, BFP-Ocampo, sinabi nito na nagkaroon sila ng Fire Prevention Games, Arts and Contest, infomercial-making contest, poster-making contest, jingle singing contest, and spoken poetry contest. Ang nasabing aktibidad ay nilahukan ng mga Senior High School students galing sa iba’t-ibang paaralan ng Ocampo na umabot sa 200 participants ang nasabing aktibida. Ang layunin nito ay magbigay aral kung paano makakaiwas sa sunog at kung ano ang dapat gawin kapag may sunog.
Ayon pa kay SFO1 Michael Ray E. Rivero nakapagtala sila ng dalawang incidente ng sunog sa bayan ng Ocampo. Walang nasawi at nasugatan sa nasabing sunog. Kaugnay nito ang BFP-Ocampo ay patuloy ang programang Oplan ligtas na pamayanan. Ang layunin nito ay ang pag-crop ng community power protection plan sa mga barangay, Community Fire Auxiliary Group Training. Layunin nito ay ang pagiging handa ng ating mga barangay, mga miyembro ng ating komunidad, mga volunteer, Upang matuto sila ng basic fire suppression pati na rin ang fire prevention.
Dagdag pa dito magkakaroon rin sila ng tinatawag na House-to-House Parts Seat Inspection. Layunin ng programa ang agarang maitama ang mga posibilidad o mga sitwasyon o mga bagay na kung saan maaaring magkaroon ng sunog sa mga residential. Kung sakali mang magkaroon ng insidente ng sunog maaari kayong tumawag sa emergency hotline number na 0961-519-3815 at 0916-467-4431. O di kaya tumawag sa national emergency hotline number na 911.












