Naaprubahan ang isinagawang pagpupulong ng Regional Development Council (RDC) Bicol, ang halos lahat ng Regional Development Investment Program (RDIP) na isinumite ng mga ahensya ng pamahalaan at mga lokal na pamahalaan para maisama sa 2027 National Expenditure Program (NEP).

Sa naging pahayag ni Governor Noel Rosal, RDC Chairman, ibinahagi nito na isang proyekto ang pansamantalang inalis sa listahan: ang kontrobersyal na overpass o “skyway” sa Malabog.

Ayon ki Rosal, may na-release nang ₱90 milyon para sa 2026 at halos ₱200 milyon na ang nailabas para sa kabuuang proyekto, na tinatayang aabot sa higit ₱400 milyon ang kabuuang halaga. Subalit dahil hindi pa tapos ang negosasyon sa right of way at wala pang bidding, minabuti ng RDC na huwag muna itong isama sa 2027 NEP. Posibleng mailipat ang proyekto sa 2028, habang patuloy na pinag-aaralan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang susunod na hakbang.

Samantala, kabilang sa Top 10 Priority Projects sng rehiyon ang mga sumusunod:

Advertisement

Pagpapaunlad ng mga paliparan sa Naga, Sorsogon, Tanduay, Masbate, at Bicol International Airport.
Mga highway projects para ma-decongest ang Maharlika Highway.
Pag-upgrade ng mga seaport gaya ng Pantaw at Atnog.
PPP Toll Road Project (Toll 5) mula Camarines Sur hanggang Legazpi.
Transmission at development works para sa Bicol International Airport, na nakaprograma ang konstruksyon sa loob ng 6–12 buwan depende sa land acquisition.

Sa kabuuan, nananatiling nakatuon ang RDC Bicol sa mga proyektong makapagpapalakas ng konektividad at ekonomiya ng rehiyon, habang ang Malabog Overpass ay patuloy na isinasailalim sa masusing pag-aaral bago muling isama sa susunod na NEP.

Advertisement