Muling nanamlay ang halaga ng piso sa pagsasara ng trading ngayong Miyerkules, Marso 25, 2026, matapos itong bumalik sa antas na P60.10 kada dolyar.

Nabatid na bahagya itong nakabawi kahapon nang umabot sa P59 level, ngunit hindi nagtagal ay bumagsak muli.

Ang pinakamababang halaga ng piso laban sa dolyar ay naitala noong nakaraang linggo sa P60.30, na nagdulot ng pangamba sa mga negosyante at consumers.

Ayon sa mga analyst, patuloy na naaapektuhan ang piso ng global market volatility at tensyon sa Middle East, na nagtutulak sa mga mamumuhunan na pumabor sa mas ligtas na asset gaya ng US dollar.

Advertisement

Bagama’t nananatiling mahina ang piso, tiniyak ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na may sapat na foreign reserves at monetary tools upang mapanatili ang katatagan ng ekonomiya.

Para sa mga OFW, mas mataas ang halaga ng kanilang remittance sa lokal na pera, ngunit para sa mga negosyo at mamimili, nangangahulugan ito ng mas mahal na imported na produkto at serbisyo.

Advertisement