Nagpaalala si Vice President Sara Duterte sa publiko na ang pagiging handa ang pinakamahalagang panlaban sa nalalapit na mga hamon dulot ng El Niño at mga pagbaha.
Ayon kay VP Sara, sa pagtitipid, unahin ng mga pamilya ang sapat na pagkain, pagpapagamot sa may sakit, at edukasyon ng mga anak. Hinihikayat niya ang publiko na simulan nang planuhin ang mga hakbang hanggang sa katapusan ng taong 2026.
Dagdag pa niya, “Maliit man ang tanggapan ng pangalawang pangulo, makakaasa kayo na bawat isa sa amin ay patuloy na naglilingkod at naghahanap ng paraan upang makatulong.”
Ang pahayag ni VP Sara ay kasabay ng inaasahang mahirap na mga buwan, dahil sa banta ng El Niño at posibilidad ng pagbaha sa ilang bahagi ng bansa.
Advertisement
Advertisement














