Nakatakdang lumagda ngayong araw ang Department of Justice (DOJ), Presidential Communications Office (PCO), at Department of Information and Communications Technology (DICT) sa isang kasunduan na naglalayong paigtingin ang koordinasyon laban sa online disinformation.

Gaganapin ang Memorandum of Agreement (MOA) signing sa alas-1 ng hapon sa Justice Hall sa Manila, ayon sa mga opisyal.

Layunin ng kasunduan na tugunan ang patuloy na pagkalat ng maling impormasyon sa internet, kabilang ang mga deepfakes at iba pang digitally altered media na maaaring makaapekto sa tiwala ng publiko at integridad ng impormasyon.

Sa ilalim ng MOA, magtutulungan ang tatlong ahensya sa mas pinaigting na monitoring, information sharing, at pagpapatupad ng batas laban sa mga lumalabag sa cyberspace.

Advertisement

Inaasahan ding mas mapapabilis at mapapalakas ng kasunduan ang pagresponde ng pamahalaan sa mga kaso ng online disinformation sa bansa.

Advertisement