Itinuro ni Batangas Rep. Leandro Leviste si Executive Secretary Ralph Recto na umano’y humaharang sa mga panukalang magtataas ng sahod ng mga manggagawa sa bansa.

Sa isang mensahe para sa Labor Day, sinabi ni Leviste na nararapat lamang tukuyin ang mga umano’y hadlang sa pagtaas ng sahod ng mga manggagawa, lalo na sa gitna ng patuloy na panawagan para sa wage increase.

Ayon sa kanya, dapat sana’y naipasa na ang dagdag minimum wage sa huling araw ng 19th Congress, ngunit sinabihan umano ni Recto ang Senado na huwag muna itong ipasa noong siya ay Secretary of Finance pa.

Dagdag pa ni Leviste, hindi rin umuusad ang panukala ni Ka-Mangagawa Rep. Eli San Fernando na naglalayong alisin ang provincial wage rates, kahit may suporta umano ng karamihan sa mga mambabatas, dahil sa pagtutol pa rin ni Recto.

Advertisement

Ikinuwento rin niya na ang panukalang pagbaba ng Value-Added Tax (VAT), na sinusuportahan umano ng maraming miyembro ng Kamara, ay hindi rin pinabobotohan sa komite dahil sa parehong pagtutol.

Sa kabila nito, wala pang pahayag si Recto kaugnay sa mga paratang.

Advertisement