Ibinunyag ni Interior Secretary Jonvic Remulla na plano niyang bumalik sa kanyang lalawigan sa Cavite upang tumakbo sa isang lokal na posisyon sa 2028 elections, sa kabila ng naunang ulat na posibleng tumakbo siya sa isang national post.

Sa isang panayam sa Kapihan ng Samahang Plaridel nitong Biyernes, sinabi ni Remulla na nagbago ang kanyang direksyon sa pulitika at nais niyang ituon ang kanyang serbisyo publiko sa tamang dahilan, sa halip na dahil lamang sa personal na ambisyon.

Aminado ang kalihim na may “perception gap” sa publiko tungkol sa kanyang katauhan, ngunit handa niya itong tanggapin bilang bahagi ng pagiging lider.

Dagdag pa niya, nananatiling bukas ang posibilidad ng pagbabago sa kanyang mga plano, ngunit sa kasalukuyan ay malinaw umano ang kanyang intensyon na bumalik sa Cavite.

Advertisement

“Everything is fluid, but as of now, my heart is set on going back to Cavite talaga. We will cross the bridge when we get there but I miss home,” ani Remulla.

Advertisement