Itinalaga bilang undersecretary ng Department of the Interior and Local Government si dating Jed Patrick Mabilog, ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla.

Sinabi ni Remulla na nanumpa si Mabilog bilang undersecretary for public safety at tututok sa mga reporma sa mga lokal na pamahalaan.

Ayon pa sa kalihim, hindi umano naghahanap ng paghihiganti si Mabilog sa kanyang pagbabalik sa serbisyo publiko.

Matatandaang umalis ng bansa si Mabilog noong 2017 at nagtungo sa Estados Unidos matapos siyang akusahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang umano’y protektor ng ilegal na droga.

Advertisement

Nakabalik sa Pilipinas ang dating alkalde noong 2024 matapos sumuko sa National Bureau of Investigation o NBI.

Noong Enero 15, 2025, pinagkalooban siya ng executive clemency ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagbigay-daan sa kanyang pagbabalik sa pampublikong serbisyo.

Matatandaang itinanggi ni Mabilog ang mga alegasyong siya umano ang protektor ng yumaong hinihinalang drug lord na si Melvin Odicta Sr. na napatay noong 2016.

Advertisement