Nanawagan si Vice President Sara Duterte sa mga bagong opisyal ng Philippine Military Academy (PMA) “Talang Dangal” Class of 2026 na panatilihin ang integridad, disiplina, at tapang sa kanilang paglilingkod sa bansa.

Sa graduation ceremony sa Fort Del Pilar, Baguio City, binigyang-diin ni Duterte na ang kanilang pagsasanay sa PMA ay nagsilbing pundasyon ng disiplina at sakripisyo na dapat nilang gamitin sa pagtatanggol ng Pilipinas.

Hinikayat niya ang mga bagong gradweyt na maging huwaran ng karangalan at dignidad, at manatiling matatag sa harap ng anumang banta sa soberanya ng bansa.

Nagpasalamat din ang Bise Presidente sa kanilang pagpili ng landas ng serbisyo militar, na kanyang inilarawan bilang marangal at nakatuon sa kapakanan ng mga Pilipino.

Advertisement

Dagdag pa niya, ang kanilang serbisyo ay patunay ng determinasyon na ipagtanggol ang bansa at pangalagaan ang kalayaan ng mamamayan.

Sa huli, binati niya ang mga nagtapos at kanilang pamilya bilang bahagi ng bagong henerasyon ng mga tagapagtanggol ng bayan.

Advertisement