Inihayag ni NBI Director Melvin Matibag na mayroon nang lead ang National Bureau of Investigation kaugnay sa kinaroroonan ni Senador Ronald dela Rosa matapos itong lihim na umalis sa Senado noong madaling araw ng Mayo 14.

Ayon kay Matibag, may impormasyon na umano ang NBI kung nasaan si dela Rosa sa gitna ng nakabinbing warrant of arrest ng International Criminal Court laban sa senador.

Gayunman, tumanggi ang NBI chief na magbigay ng karagdagang detalye habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

Muli ring iginiit ni Matibag na si Senador Robin Padilla ang dapat tanungin hinggil sa eksaktong lokasyon ni dela Rosa dahil ito umano ang huling nakitang kasama ng senador bago ito nakalabas ng Senate compound.

Advertisement

Nauna nang sinabi ng NBI na itinuturing nilang person of interest si Padilla kaugnay sa pagtukoy sa posibleng pinagtataguan o lokasyon ni dela Rosa.

Advertisement