Naka-high alert ang Philippine Red Cross (PRC) habang nagpapatuloy ang search and rescue operations sa gumuhong gusali sa Barangay Balibago, Angeles City, Pampanga.

Ayon sa PRC, nakikipag-ugnayan na ang kanilang mga ipinadalang team sa mga lokal na otoridad upang mapabilis ang rescue operations sa lugar.

Batay sa ground report ng PRC nitong umaga ng Lunes, Mayo 25, nasa 26 na katao ang nailigtas mula sa kabuuang 47 apektadong indibidwal.

Patuloy naman ang paghahanap sa 18 pang napaulat na nawawala habang kinumpirma rin ng organisasyon ang dalawang nasawi sa insidente.

Advertisement

Nagdeploy ang PRC ng Collapsed Structure Search and Rescue at Emergency Medical Services teams mula sa kanilang mga chapter sa Pampanga at Olongapo upang tumulong sa nagpapatuloy na operasyon.

Naglatag din ang organisasyon ng 24/7 Welfare Desk sa Ospital Ning Angeles upang magbigay ng Restoring Family Links at psychosocial support para sa mga pamilya ng mga biktima.

Advertisement