Nakatakdang maglabas ng subpoena ang National Bureau of Investigation o NBI laban kay Nancy dela Rosa, asawa ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa, kaugnay ng insidente sa Senado noong Mayo 13.

Kinumpirma ni NBI Director Melvin Matibag na inihahanda na ng ahensya ang subpoena matapos maiugnay kay Nancy dela Rosa ang mga pahayag hinggil sa umano’y pagtakas ng senador matapos ang pamamaril sa loob ng Senado.

Ayon sa NBI, nagkaroon umano ng pagkakataon si Senador dela Rosa na makaalis sa Senado matapos ang palitan ng putok ng baril noong Mayo 13.

Bukod kay Nancy dela Rosa, sinabi rin ni Matibag na maglalabas sila ng subpoena laban sa iba pang mga indibidwal na umano’y huling nakausap ng senador bago ito tuluyang mawala sa publiko.

Advertisement

Samantala, pinag-aaralan pa ng NBI kung ipatatawag din si Senador Robin Padilla matapos itong sampahan ng kasong obstruction of justice ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group o PNP-CIDG.

Nauna nang sinabi ni Padilla na isinakay lamang niya si Senador dela Rosa palabas ng Senado noong madaling araw ng Mayo 14 at ibinaba ito sa Makati City.

Advertisement