Hindi ikinabahala ni Luis ‘Chavit’ Singson ang kasong cyberlibel na isinampa laban sa kanya ng isang hindi pa tinutukoy na grupo.

Naging usap-usapan ito matapos kumalat sa social media ang kanyang mugshot kasunod ng pag-aresto kaugnay ng naturang reklamo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan, iginiit ni Singson na wala siyang nilabag na batas at agad siyang nakapaglagak ng piyansang nagkakahalaga ng P60,000 matapos matanggap ang kaso.

Aminado siyang nagulat sa reklamong isinampa laban sa kanya, ngunit nananatili siyang handang harapin ang proseso at depensahan ang kanyang sarili. Aniya, pagkakataon din ito upang maipakita at maipaglaban ang katotohanan.

Advertisement

Nanawagan din siya sa publiko na huwag matakot magsalita at manindigan para sa katotohanan, lalo na laban sa mga taong may pananagutan sa mga maling gawain.

Advertisement