Sinimulan na ngayong araw ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang Digital Bayanihan Safety Summit 2026, isang pagtitipon na naglalayong palakasin ang kamalayan ng publiko hinggil sa kaligtasan at karapatan sa digital na espasyo.

Sa naturang summit, ipinakilala ng iba’t ibang digital platforms ang kanilang mga safety features na idinisenyo upang makatulong sa paglaban sa misinformation, online fraud, at iba pang anyo ng online abuse.

Layunin din ng programa na mabigyang-kaalaman ang publiko tungkol sa kanilang mga digital rights o mga karapatan bilang mga gumagamit ng internet at online services, kabilang ang tamang paggamit ng personal na impormasyon at mga mekanismo para sa pag-uulat ng mga online na paglabag.

Ayon sa DICT, mahalaga ang pagtutulungan ng pamahalaan, pribadong sektor, at mamamayan upang makabuo ng isang mas ligtas at responsableng digital na komunidad para sa lahat.

Advertisement
Advertisement