Itinanggi ni House Majority Leader Sandro Marcos ang ulat na umano’y zero ang Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) at walang nakalaang pondo para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) at Medical Assistance for Indigent Patients (MAIP) sa General Santos City.
Ayon kay Marcos, walang katotohanan ang naturang impormasyon at hinamon niya ang mga naglalabas ng ulat na tiyaking beripikado muna ang datos bago ito ipakalat.
Sa isang panayam, sinabi ng mambabatas na wala siyang alam na kaso kung saan walang inilaan na pondo para sa mga nabanggit na programa, lalo na para sa General Santos City.
Nang banggitin ng isang reporter na ang impormasyon ay nagmula umano kay Leandro Leviste, iginiit muli ni Marcos na dapat munang suriin ang katotohanan ng naturang pahayag.
“Okay. So next time, yes po, ma’am. So next time, let’s just verify. Kasi before that, kwento-kwento lang ’yan. As far as I know po, wala pong zero na ganun. Lalo na sa Gensan, who would be so stupid to do that? I mean, really. Thank you,” pahayag ni Marcos.














