Nananatili umano sa Pilipinas si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa kabila ng umiiral na arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng kasong crimes against humanity.
Ayon kay Melvin Matibag, direktor ng National Bureau of Investigation (NBI), base sa kanilang impormasyon ay nasa bansa pa rin ang senador.
Matatandaang huling namataan si Dela Rosa na sakay ng isang yate na patungo umano sa isang hindi pa natutukoy na probinsya.
Patuloy namang minomonitor ng mga awtoridad ang sitwasyon kaugnay ng nasabing warrant at sa mga susunod na hakbang na maaaring gawin kaugnay ng kaso.
Advertisement
Advertisement














