Pinabulaanan ni Senador Imee Marcos ang mga ulat na umano’y hindi maganda ang kanyang pakikitungo sa ilang miyembro ng Senate minority bloc, kabilang ang alegasyong sinusubukan niyang pag-awayin ang mga kapwa senador tulad ni Senador Jinggoy Estrada.

Ayon kay Marcos, maayos ang kanyang relasyon sa mga kasamahan sa Senado at wala siyang anumang negatibong pahayag laban sa mga ito. Giit niya, walang katotohanan ang mga isyung ibinabato laban sa kanya at sa minority bloc.

Binatikos din ng senadora ang aniya’y sunod-sunod na pagsasampa ng mga kaso laban sa ilang miyembro ng minorya. Ayon sa kanya, tila isa-isang tinatarget ang kanilang grupo.

Samantala, sinabi rin ni Marcos na nauunawaan niya ang naging desisyon nina Senators Chiz Escudero at Joel Villanueva na lumipat sa bagong majority bloc. Ayon sa kanya, matindi umano ang naging panggigipit sa dalawang senador at naharap ang mga ito sa banta ng pagsasampa ng kaso kung hindi lilipat ng grupo.

Advertisement

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang mga kampo ng mga nabanggit na senador kaugnay sa mga alegasyon ni Marcos.

Advertisement