Nagbigay si Pope Leo XIV ng paunang emergency aid na nagkakahalaga ng €100,000 (katumbas ng humigit-kumulang $114,000) para sa mga biktima ng malalakas na lindol na tumama sa Venezuela.

Ayon sa Vatican, magmumula ang pondo sa Apostolic Almonry, ang opisina na responsable sa mga gawaing kawanggawa para sa mga nangangailangang komunidad. Nilinaw nito na ang naturang halaga ay paunang tulong lamang upang makatulong sa agarang relief at rescue operations.

Matatandaang niyanig ang Venezuela ng magkakasunod na malalakas na lindol na may lakas na magnitude 7.2 at 7.5. Dahil dito, umabot na sa hindi bababa sa 164 ang nasawi batay sa paunang ulat ng mga awtoridad.

Patuloy ang search and rescue operations sa mga apektadong lugar habang sinusuri pa ang kabuuang pinsala sa imprastraktura at kabuhayan.

Advertisement

Samantala, nagpaabot din ng tulong ang ilang bansa at organisasyon kabilang ang Cuba, Iran, Italy, Estados Unidos, at European Union.

Advertisement