Iginiit ni House lead prosecutor at Batangas Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro na may konstitusyonal na obligasyon si Vice President Sara Duterte na personal na humarap sa Senate impeachment court sa pagbubukas ng kanyang impeachment trial sa Hulyo 6.

Ayon kay Luistro, bagama’t pinahihintulutan ng impeachment rules na katawanin ng abogado ang bise presidente, ang hindi niya personal na pagdalo ay maituturing lamang na pagpasok ng plea na “not guilty.”

Binigyang-diin din ni Luistro na ang pagharap sa impeachment court ay bahagi ng pananagutan ng mga opisyal ng pamahalaan, alinsunod sa prinsipyong “public office is a public trust.”

Advertisement