Nagsagawa ng “watch party” ang non-partisan citizens group na Bantay Senado sa Immaculate Heart of Mary Parish sa Quezon City upang sama-samang panoorin ang ika-anim na araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Senado.

Layunin ng aktibidad na bigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na masubaybayan ang mahahalagang kaganapan sa paglilitis at magkaroon ng mas malawak na pag-unawa sa proseso ng impeachment.

Dumalo sa pagtitipon ang ilang miyembro at tagasuporta ng grupo na nakiisa sa panonood ng mga pagdinig ng Senado.

Iginiit ng Bantay Senado na mahalaga ang aktibong pakikilahok ng publiko sa mga usaping may kinalaman sa pananagutan ng mga opisyal ng pamahalaan, habang nananatili ang kanilang paninindigan bilang isang grupong walang kinikilingang partido.

Advertisement
Advertisement