Ibinunyag ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na gumagamit na ng mga bagong paraan ang ilang grupong sangkot sa ilegal na aktibidad upang hikayatin ang mga kabataan na gumawa ng krimen.

Ayon kay Integrated Communications Operations Center (ICOC) at NTF-ELCAC Director Jose Joel Sy-Egco, sinasamantala ng ilang grupo ang makabagong teknolohiya upang mang-recruit ng mga estudyanteng posibleng masangkot sa kaguluhan.

Bilang halimbawa, binanggit niya ang mga insidente ng pamamaril na kinasangkutan ng ilang mag-aaral sa loob mismo ng kanilang paaralan.

Dahil dito, pinaigting ng NTF-ELCAC ang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan upang matukoy at mapigilan ang mga grupong nasa likod ng naturang mga gawain, kung saan kabilang sa mga posibleng mabiktima ang mga menor de edad.

Advertisement

Kabilang sa kanilang mga hakbang ang pagbisita sa mga paaralan upang bigyan ng impormasyon at babala ang mga estudyante hinggil sa mga mapanlinlang na paraan ng pangangalap ng mga grupo at sa panganib ng pagkakasangkot sa mga ilegal na aktibidad.

Advertisement