Hindi umano maiintimidate si Senator Judge Alan Peter Cayetano sa planong imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng sinasabing iregularidad sa pagdaraos ng Southeast Asian Games (SEA Games) 2019.

Si Cayetano ang nagsilbing chairman ng Organizing Committee ng SEA Games 2019 na ginanap sa Pilipinas. Ayon sa senador, kung may naganap mang iregularidad sa paghahanda at pagsasagawa ng naturang palaro, siya mismo ang unang magagalit at nais na matukoy ang katotohanan.

Binigyang-diin ni Cayetano na bukas siya sa anumang imbestigasyon upang malinawan ang mga isyung iniuugnay sa pagho-host ng bansa sa SEA Games.

Ipinagmalaki rin ng senador ang naging matagumpay na pagdaraos ng SEA Games 2019, kung saan nakamit umano ng Pilipinas ang layunin nitong makapagdaos ng isang maayos at makabuluhang kompetisyong pampalakasan para sa mga bansa sa rehiyon.

Advertisement
Advertisement