Sinabi ni Senator-Judge Alan Peter Cayetano na nais niyang magsilbing pagsubok ang impeachment trial upang mapatunayan na gumagana ang 1987 Constitution, sa kabila ng mga pagkakaiba sa pulitika.
Ayon kay Cayetano, mahalaga na maipakita sa pamamagitan ng proseso ng impeachment na nananatiling umiiral ang mga mekanismo ng Konstitusyon sa pagharap sa mga usaping may kinalaman sa pananagutan ng matataas na opisyal ng pamahalaan.
Ginawa ni Cayetano ang pahayag habang nahaharap siya sa mga isyung may kaugnayan sa isinagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa umano’y iregularidad sa 2019 SEA Games, kung saan siya ang nagsilbing chairman ng Philippine SEA Games Organizing Committee.
Binigyang-diin ng senador na hindi dapat manaig ang anumang uri ng panggigipit at sa halip ay dapat pairalin ang proseso ng batas at mga institusyong itinakda ng Konstitusyon.














