Ipinahayag ni Presiding Judge Francis Escudero na pagbotohan ng komite ang dalawang nakabinbing mosyon na inihain ng mga partido kaugnay ng mga hinihinging dokumento.

Kabilang sa mga mosyon ang pag-isyu ng subpoena para sa mga bank records at mga rekord mula sa Anti-Money Laundering Council (AMLC), gayundin ang kahilingan para sa subpoena sa mga dokumento mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Ayon kay Escudero, nakatali ang komite sa mga mosyong inihain ng mga partido kaya nararapat lamang na dumaan ang mga ito sa botohan upang mapagdesisyunan kung pagbibigyan o tatanggihan.

Iginiit din niya na kailangang pagbotohan nang magkahiwalay ang bawat mosyon upang malinaw na matukoy ang magiging pasya ng komite kung ito ay igagawad o idi-deny.

Advertisement
Advertisement