Nagbigay ng update si Police Brigadier General Randy Glenn G. Silvio, District Director ng Quezon City Police District (QCPD), kaugnay ng imbestigasyon sa pagpatay sa negosyanteng si Ceferino “Perry” Mariano at kanyang driver na si Norberto Orimaco noong Abril.

Ayon kay Silvio, anim na suspek na ang kinasuhan kaugnay ng krimen habang patuloy naman ang operasyon ng pulisya para matunton at mahuli ang iba pang mga indibidwal na sangkot sa insidente.

Ipinagpatuloy ng QCPD ang pagtugis sa mga suspek kasabay ng pagkalap ng karagdagang impormasyon upang mapanagot ang lahat ng may kaugnayan sa pagpatay sa biktima at kanyang driver.

Binigyang-diin ng QCPD na patuloy nilang pagtutuunan ng pansin ang kaso upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima at kanilang pamilya.

Advertisement
Advertisement