Nagdulot ng matinding pagkaantala sa pampublikong transportasyon at ilang serbisyo ng pamahalaan sa Spain ang malawakang welga na isinagawa ng mga mamamayan bilang panawagan sa agarang pagtugon sa problema sa pabahay at patuloy na pagtaas ng gastusin sa bansa.

Ito ang unang pagkakataon sa loob ng 14 na taon na nagsagawa ng general strike sa Spain. Kabilang sa mga lugar na naging sentro ng protesta ang Madrid at Barcelona.

Isinagawa ang pagkilos ilang araw bago ang parliamentary elections na nakatakdang ganapin sa Nobyembre 29.

Sa kabila nito, sinabi ng Spanish Confederation of Business Organisations na hindi gaanong naapektuhan ang sektor ng negosyo dahil nanatiling bukas at nagpapatuloy ang operasyon ng maraming establisyemento.

Advertisement

May ilang demonstrador naman ang inaresto ng mga awtoridad dahil sa tangkang pagpasok sa mga opisina ng pamahalaan.

Advertisement