Sasama si United States Secretary of State Marco Rubio kay US President Donald Trump sa kanilang pagbisita sa Pilipinas para sa 49th ASEAN Summit and Related Summits.

Kinumpirma ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel “Babe” Romualdez ang pagsama ni Rubio sa biyahe ni Trump patungong Pilipinas.

Inaasahang darating sa bansa ang US President sa Martes, Nobyembre 17.

Samantala, nitong Sabado ay sunod-sunod na dumating sa Pilipinas ang ilang lider mula sa iba’t ibang bansa upang makilahok sa nasabing pagpupulong.

Advertisement

Kabilang sa mga naunang nakipagpulong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sina Canadian Prime Minister Mark Carney at Brazilian President Luiz Inácio Lula da Silva.

Advertisement