Mahigpit na binabantayan ng Philippine Airlines (PAL) ang ipinatupad na nationwide ground stop ng United States Federal Aviation Administration (FAA), na nakaapekto sa daloy ng air traffic sa iba’t ibang bahagi ng Estados Unidos.
Ayon sa PAL, pinapayagan namang magpatuloy sa kanilang mga destinasyon ang mga eroplanong kasalukuyan nang nasa himpapawid at biyaheng patungong Amerika.
Gayunman, patuloy na isinasailalim sa masusing pagsusuri ang bawat flight ng PAL na papunta at pabalik mula sa mga paliparan sa Estados Unidos upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero at maayos na operasyon ng mga biyahe.
Pinapayuhan ang mga pasahero na regular na tingnan ang flight status sa mga opisyal na communication channels ng Philippine Airlines upang makakuha ng pinakabagong impormasyon at mga abiso kaugnay ng kanilang mga flight.














