Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isang bagong executive order na naglalayong palakasin ang regulasyon at pamamahala sa paggamit ng Artificial Intelligence (AI) sa Pilipinas.
Sa ilalim ng Executive Order No. 131, itinatag ang National Artificial Intelligence Council (NAIC) na siyang mangunguna sa pagbuo at pagpapatupad ng mga polisiya at programa para matiyak ang responsable, ligtas at maayos na paggamit ng AI sa bansa.
Layunin ng konseho na matiyak na ang pag-unlad ng teknolohiyang AI ay naaayon sa pambansang interes, kabilang ang pagpapanatili ng seguridad, transparency, pananagutan at pangangalaga sa karapatan ng publiko.
Bahagi rin ng mga layunin ng kautusan ang pagpapalawak ng edukasyon tungkol sa AI, pagbibigay ng pagsasanay sa mga manggagawa, pagpapahusay ng digital infrastructure, at pagsuporta sa pananaliksik at inobasyon sa larangan ng makabagong teknolohiya.














