Hinamon ng Malacañang si Senator Alan Peter Cayetano na maging unang magbigay ng donasyong P170,000 bilang suporta sa kanyang panukalang makatulong sa pagbabayad ng utang ng Pilipinas.
Ito ay kasunod ng mungkahi ng senador sa Bangko Sentral ng Pilipinas at Department of Finance na gumawa ng mekanismo upang mabayaran ang utang ng bansa.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, boluntaryo ang naturang kontribusyon kaya mahirap itong gawing mandatory o sapilitan.
Dagdag pa ni Castro, nararapat lamang na pangunahan ni Cayetano ang naturang hakbang upang maipakita ang kanyang sinseridad. Hinimok din niya ang senador na magsumite agad ng panukalang batas kaugnay nito.
Matatandaang sinabi ni Cayetano na umaabot sa P19.66 trilyon ang utang ng Pilipinas, na katumbas umano ng P170,598.03 na pagkakautang sa bawat Pilipino.













