Umabot sa 30 katao ang nasawi habang 15 iba pa ang nasugatan matapos sumabog at masunog ang isang fuel tanker na may kargang produktong petrolyo sa Giza, malapit sa Cairo, Egypt, nitong Miyerkules.

Ayon sa Egypt Ministry of Health, nawalan umano ng kontrol ang tanker, lumihis sa kalsada at bumangga bago sumabog, dahilan upang madamay sa sunog ang iba pang mga sasakyan.

Nagpadala ng 39 na ambulansya sa lugar upang rumesponde sa mga biktima, habang isinugod naman sa tatlong magkakahiwalay na ospital ang mga sugatan.

Patuloy pang minomonitor ng mga awtoridad ang sitwasyon at ang bilang ng mga nasawi, na maaari pang madagdagan.

Advertisement
Advertisement