Nakumpirma ng Commission on Appointments (CA) ang ad interim appointments ng limang heneral ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at 85 opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Ngayong Miyerkules, Hunyo 17, humarap ang limang AFP generals at mga DFA officials sa espesyal na pagdinig ng CA sa Senado upang mapagtibay ang kanilang mga appointment.

Naantala nang ilang linggo ang kanilang kumpirmasyon dahil sa naging alitan at mga usaping tinalakay ng ilang senador.

Sa mga naunang pagdinig, kinuwestiyon ni Senador Rodante Marcoleta kung nararapat pa bang maaprubahan ang promosyon ng limang AFP generals na may halos isang taon na lamang na natitirang aktibong serbisyo. Ang mga opisyal na ito ay unang na-bypass noong regular na sesyon ng CA.

Advertisement

Nangyari ang bypassing ng kanilang promosyon kasunod ng sine die adjournment ng Kongreso noong Hunyo 3, 2026.

Gayunman, ipinaliwanag ni Senador Panfilo Lacson na ang mga appointment ng nasabing AFP generals ay itinuturing na muling pagsusumite ng kanilang mga naunang ad interim appointments noong Mayo 25, 2026, nang muling magbukas ang unang regular na sesyon ng Kongreso.

Dahil dito, tuluyang kinumpirma ng CA ang kanilang mga appointment kasama ang 85 opisyal ng DFA.

Advertisement