Photo © web

Umangat pa ang ranking ni Alex Eala matapos ilabas ang pinakabagong world ranking ng Women’s Tennis Association (WTA) kung saan pumuwesto siya sa ika-44 na pwesto.

Mas mataas ito ng isang baitang mula sa kanyang dating ika-45 na pwesto sa nakaraang ranking.

Nakatakdang sumabak si Eala sa Madrid Open, na itinuturing niyang pamilyar na lugar dahil kasalukuyan siyang naninirahan at nagsasanay sa Rafa Nadal Academy.

Bukod dito, naghahanda na rin ang Pinay tennis star para sa 2026 Roland Garros French Open na gaganapin mula Mayo 18 hanggang Hunyo 7, 2026.

Advertisement
Advertisement