Itinalaga ng Shi’ite political alliance ng Iraq na Ali al-Zaidi bilang kanilang nominee sa pagka–prime minister, kasunod ng pormal na pag-atas sa kanya ni Nizar Amedi na bumuo ng bagong pamahalaan.

Ayon sa pahayag ng Coordination Framework—isang alyansa ng mga Shi’ite political blocs—si Zaidi ang napiling kinatawan ng pinakamalaking parliamentary bloc upang mamuno sa susunod na administrasyon ng bansa.

Pormal siyang inimbitahan ni Pangulong Amedi sa Baghdad upang simulan ang proseso ng pagbuo ng gobyerno.

Si Zaidi, na nasa kanyang 40s, ay isang negosyante na may malawak na interes sa iba’t ibang sektor kabilang ang banking at food supply programs ng pamahalaan na nagsisilbi sa milyun-milyong Iraqi.

Advertisement

Alinsunod sa konstitusyon ng Iraq, may 30 araw si Zaidi upang bumuo ng kanyang gabinete at iharap ito sa parlamento para sa pag-apruba.

Ang nasabing hakbang ay bahagi ng umiiral na power-sharing system ng bansa, kung saan ang pangulo ay mula sa Kurdish community, ang prime minister ay Shi’ite, at ang speaker ng parliament ay Sunni—isang estruktura na layong maiwasan ang sigalot na sektaryan sa Iraq.

Advertisement